Sa artikulong ito, magbibigay kami ng mga karagdagang impormasyon sa aming mga user sa European Region.
Isa ang WhatsApp sa Mga Kumpanya ng Facebook. Kabilang sa Mga Kumpanya ng Facebook ang Facebook, Facebook Technologies, at WhatsApp, bukod sa iba pa, at sama-samang iniaalok ng mga ito ang Mga Produkto ng Kumpanya ng Facebook.
Nakikipagtulungan at nagbabahagi ng impormasyon ang WhatsApp sa iba pang Kumpanya ng Facebook para makatanggap ng mga serbisyo gaya ng imprastruktura, teknolohiya, at mga system na nakakatulong sa amin na maibigay at mapahusay ang WhatsApp at para mapanatiling ligtas at secure ang WhatsApp at iba pang Kumpanya ng Facebook. Kapag nakatanggap kami ng mga serbisyo mula sa Mga Kumpanya ng Facebook, ang impormasyong ibinabahagi namin sa mga ito ay ginagamit para matulungan ang WhatsApp alinsunod sa aming mga tagubilin. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagtutulungan, nagagawa namin ang mga sumusunod:
Makapagbigay sa iyo ng mabilis at maaasahang messaging at mga pagtawag sa buong mundo at maunawaan kung paano nagpe-perform ang aming Mga Serbisyo at feature.
Matiyak ang kaligtasan, seguridad, at integridad sa buong WhatsApp at Mga Produkto ng Kumpanya ng Facebook sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga spam account at paglaban sa mapang-abusong aktibidad.
Ikonekta ang iyong karanasan sa WhatsApp sa Mga Produkto ng Kumpanya ng Facebook.
Sa kasalukuyan, hindi ginagamit ng Facebook ang impormasyon ng WhatsApp account mo para mapaganda ang mga karanasan mo sa produkto ng Facebook o para makapagbigay sa iyo ng mga may kaugnayang karanasan sa ad sa Facebook sa Facebook. Palagi kaming nagsisikap na makagawa ng mga bagong paraan para mapaganda ang iyong karanasan sa WhatsApp at iba pang Produkto ng Kumpanya ng Facebook na ginagamit mo. Papanatilihin ka naming updated sa mga bagong karanasan na iniaalok namin at sa mga kasanayan namin sa data.
Para makatanggap ng mga serbisyo mula sa Mga Kumpanya ng Facebook, ibinabahagi ng WhatsApp ang impormasyon na mayroon kami tungkol sa iyo alinsunod sa nakalagay sa seksyong “Impormasyong Kinokolekta Namin” sa Patakaran sa Privacy. Halimbawa, para makapagbigay sa WhatsApp ng mga serbisyo sa analytics, pinoproseso ng Facebook ang numero ng teleponong na-verify mo noong nag-sign up ka para sa WhatsApp, ang ilan sa impormasyon ng iyong device (mga identifier ng device mo na nauugnay sa parehong device o account, bersyon ng operating system, bersyon ng app, impormasyon ng platform, country code at network code ng mobile mo, at mga flag para ma-enable ang pagsubaybay sa pagtanggap ng update at mga opsyon sa kontrol), at ilan sa impormasyon ng iyong paggamit (kailan mo huling ginamit ang WhatsApp at ang petsa noong una mong inirehistro ang iyong account, at mga uri at dalas ng paggamit mo sa mga feature) sa ngalan ng WhatsApp at alinsunod sa aming mga tagubilin.
Nagbabahagi rin ang WhatsApp ng impormasyon sa iba pang Kumpanya ng Facebook kapag kailangan ito para sa layunin ng pagtataguyod ng kaligtasan, seguridad, at integridad sa lahat ng Kumpanya ng Facebook. Kabilang dito ang pagbabahagi ng impormasyon na nagbibigay-daan sa Facebook at iba pang Kumpanya ng Facebook na matukoy kung ang isang partikular na user ng WhatsApp ay gumagamit din ng iba pang Produkto ng Kumpanya ng Facebook, at para masuri kung kailangang umaksyon ang iba pang Kumpanya ng Facebook laban sa naturang user o para protektahan siya. Halimbawa, puwedeng ibahagi ng WhatsApp ang impormasyong kinakailangan para mabigyang-daan ang Facebook na umaksyon laban sa natukoy na spammer sa Facebook, gaya ng impormasyon tungkol sa (mga) insidente pati na ang numero ng telepono na na-verify niya noong nag-sign up siya para sa WhatsApp o mga identifier ng device na nauugnay sa parehong device o account. Ang anumang naturang pag-transfer ay isinasagawa alinsunod sa seksyong “Ang Aming Legal na Batayan sa Pagpoproseso ng Data” sa Patakaran sa Privacy.
Para makatanggap ng mga serbisyo na makakatulong para mapatakbo, mapahusay, at ma-develop ng WhatsApp ang aming negosyo. Kapag nagbabahagi ang WhatsApp ng impormasyon sa Mga Kumpanya ng Facebook sa mga ganitong paraan, kumikilos ang Mga Kumpanya ng Facebook bilang mga service provider at ang impormasyong ibinabahagi namin sa kanila ay ginagamit para makatulong sa WhatsApp alinsunod sa aming mga tagubilin.
Nagbabahagi kami ng impormasyon sa iba pang Kumpanya ng Facebook bilang mga service provider. Nakakatulong ang mga service provider sa mga kumpanya gaya ng WhatsApp sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga imprastruktura, teknolohiya, system, tool, impormasyon, at kaalaman para tulungan kaming maibigay at mapahusay ang serbisyo ng WhatsApp para sa aming mga user.
Sa pamamagitan nito, halimbawa, nagagawa naming maunawaan kung paano ginagamit ang aming Mga Serbisyo, at kung paano maikukumpara ang paggamit dito sa lahat ng Kumpanya ng Facebook. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon sa iba pang Kumpanya ng Facebook, gaya ng numero ng telepono na na-verify mo noong nag-sign up ka sa WhatsApp at ang huling beses na nagamit ang iyong account, posible naming matukoy kung ang isang partikular na WhatsApp account ay pag-aari ng isang tao na gumagamit din ng ibang serbisyo ng Mga Kumpanya ng Facebook. Sa pamamagitan nito, mas tumpak naming naiuulat ang impormasyon tungkol sa aming Mga Serbisyo at mas napapahusay namin ang aming Mga Serbisyo. Kaya naman, halimbawa, nagagawa naming maunawaan kung paano ginagamit ng mga tao ang mga serbisyo ng WhatsApp kumpara sa paggamit nila ng iba pang app o serbisyo ng iba pang Kumpanya ng Facebook, na makakatulong sa WhatsApp na mag-explore ng mga potensyal na feature o pagpapahusay sa produkto. Puwede rin naming bilangin ang dami ng mga natatanging user na mayroon ang WhatsApp, halimbawa, sa pamamagitan ng pag-alam kung alin sa aming mga user ang hindi gumagamit ng iba pang app ng Facebook at kung ilan ang natatanging user sa lahat ng Kumpanya ng Facebook. Makakatulong ito sa WhatsApp para mas kumpletong maiulat ang aktibidad sa aming serbisyo, kabilang ang pag-uulat sa mga investor at regulator.
Nakakatulong din ito sa WhatsApp sa pag-explore namin ng mga paraan para makabuo ng isang sustainable na negosyo. Halimbawa, gaya ng inanunsyo namin dati, nag-e-explore kami ng mga paraan kung paano makakapag-usap ang mga tao at negosyo gamit ang WhatsApp, at puwedeng kasama rito ang pakikipagtulungan sa iba pang Kumpanya ng Facebook para tulungan ang mga tao na maghanap ng mga negosyong kinaiinteresan nila at makausap ang mga iyon gamit ang WhatsApp. Sa ganitong paraan, puwedeng bigyang-daan ng Facebook na makausap ng mga user ang mga negosyong mahahanap nila sa Facebook gamit ang WhatsApp.
Para panatilihin ang kaligtasan at seguridad ng WhatsApp at iba pang grupo ng mga serbisyo ng Facebook.
Nagbabahagi kami ng impormasyon sa iba pang Kumpanya ng Facebook alinsunod sa seksyong “Ang Aming Legal na Batayan sa Pagpoproseso ng Data” ng Patakaran sa Privacy, at vice versa, para makatulong sa paglaban sa spam at pang-aabuso sa aming Mga Serbisyo, para makatulong na mapanatiling secure ang mga ito, at para maitaguyod ang kaligtasan, seguridad, at integridad sa loob at labas ng aming Mga Serbisyo. Kaya naman halimbawa, kung may alinmang miyembro ng Kumpanya ng Facebook na makakatuklas na may isang tao na gumagamit sa mga serbisyo nito para sa mga ilegal na layunin, puwede nitong i-disable ang kanyang account at abisuhan ang iba pang Kumpanya ng Facebook para makonsidera ng mga ito na gawin din iyon. Sa ganitong paraan, nagbabahagi lang kami ng impormasyon para sa ganitong layunin kaugnay ng mga user na natukoy muna bilang lumalabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo o kaya ay banta sa kaligtasan o seguridad ng aming mga user o ng iba pa, kung saan dapat maabisuhan ang iba pang miyembro ng aming grupo ng mga kumpanya.
Para panatilihing ligtas at secure ang WhatsApp at iba pang serbisyo ng Mga Kumpanya ng Facebook, kailangan naming maunawaan kung aling mga account sa lahat ng Kumpanya ng Facebook ang nauugnay sa parehong user, para magawa namin ang naaangkop na aksyon kapag may natukoy kaming user na lumalabag sa aming Mga Tuntunin ng Serbisyo o kaya ay banta sa kaligtasan o seguridad ng iba.
Hindi kami nagbabahagi ng data para mapaganda ang mga produkto ng Facebook sa Facebook at para makapagbigay ng mga mas may kaugnayang karanasan sa ad sa Facebook.
Ibinabahagi namin ang impormasyon para sa lahat ng user ng WhatsApp kung pipiliin nilang gamitin ang aming Mga Serbisyo. Puwedeng kasama rito ang mga user ng WhatsApp na hindi user ng Facebook dahil kailangan naming magkaroon ng kakayahang maibahagi ang impormasyon para sa lahat ng aming user, kung kinakailangan, para makatanggap ng mahahalagang serbisyo mula sa Mga Kumpanya ng Facebook at para maisakatuparan ang mahahalagang layuning nakasaad sa aming Patakaran sa Privacy at sa artikulong ito.
Sa lahat ng pagkakataon, ibinabahagi namin ang minimum na dami ng impormasyong kailangan para maisagawa ang mga layuning ito. Tinitiyak din namin na updated ang impormasyong ibinabahagi namin, kaya kung pinili mong i-update ang numero ng telepono mo sa WhatsApp, halimbawa, ang naturang numero ay ia-update din ng mga miyembro ng grupo ng Facebook na nakatanggap nito mula sa amin.
Ang mahalaga, hindi ibinabahagi ng WhatsApp ang iyong mga contact sa WhatsApp sa Facebook o sa anumang iba pang miyembro ng Mga Kumpanya ng Facebook para sa mga sariling layunin ng mga ito, at walang ganitong plano.
Puwede mong ihinto ang paggamit sa aming Mga Serbisyo anumang oras at i-delete ang iyong account gamit ang feature sa app na I-delete ang Account Ko. Sa pag-delete sa iyong WhatsApp account, hindi ito makakaapekto sa kakayahan mong gumamit ng iba pang app at serbisyong iniaalok ng iba pang Kumpanya ng Facebook, katulad din kung paano hindi makakaapekto sa kakayahan mong ipagpatuloy ang paggamit sa WhatsApp kung ide-delete mo ang iyong Facebook account, halimbawa. Pakibasa ang Patakaran sa Privacy ng WhatsApp para sa higit pang impormasyon sa kung ano ang mangyayari kapag na-delete mo ang iyong WhatsApp account.