Puwede mong i-delete ang iyong account mula sa mismong WhatsApp. Hindi na mababawi ang pag-delete sa account mo, at hindi na namin ito maibabalik kahit na nagawa mo ito nang hindi sinasadya.
Para i-delete ang iyong account
Buksan ang WhatsApp.
I-tap ang Higit pang opsyon > Mga Setting > Account > I-delete ang account ko.
Pumili ng dahilan kung bakit mo ide-delete ang iyong account sa dropdown.
I-tap ang I-DELETE ANG ACCOUNT KO.
Sa pamamagitan ng pag-delete sa iyong account:
Ide-delete ang iyong account sa WhatsApp.
Buburahin ang history ng mensahe mo.
Ide-delete ka sa lahat ng iyong grupo sa WhatsApp.
Ide-delete ang iyong backup sa Google Drive.
Kung ide-delete mo ang iyong account:
Hindi mo na maibabalik ang access sa iyong account.
Puwedeng tumagal nang hanggang 90 araw mula noong sinimulan ang proseso ng pag-delete bago ma-delete ang impormasyon mo sa WhatsApp. Puwede ring manatili ang mga kopya ng iyong impormasyon pagkalipas ng 90 araw sa backup na storage na ginagamit namin para mag-recover kung sakaling magkakaroon ng sakuna, error sa software, o iba pang pagkawala ng data. Hindi magiging available para sa iyo ang iyong impormasyon sa WhatsApp sa panahong ito.
Hindi ito makakaapekto sa iyong impormasyon kaugnay ng mga grupong ginawa mo o sa impormasyong iniuugnay sa iyo ng iba pang user, gaya ng kanilang kopya ng mga mensaheng ipinadala mo sa kanila.
Ang mga kopya ng ilang materyal, gaya ng mga record ng log, ay posibleng manatili sa aming database pero walang iuugnay na mga personal na identifier sa mga ito.
Puwede rin naming itabi ang iyong impormasyon para sa mga bagay gaya ng mga legal na usapin, mga paglabag sa mga tuntunin, o mga hakbang para mapigilan ang pinsala.
Mangyaring sumangguni sa aming seksyong Batas at Proteksyon sa aming Patakaran sa Privacy para sa higit pang impormasyon.
Ide-delete din ang iyong impormasyon na ibinahagi sa iba pang Kumpanya ng Facebook.
Mga nauugnay na resource:
Alamin kung paano i-delete ang iyong account sa: iPhone | KaiOS