Paano i-delete ang iyong account

Android
iPhone
KaiOS
Puwede mong i-delete ang iyong account mula sa mismong WhatsApp. Hindi na mababawi ang pag-delete sa account mo, at hindi na namin ito maibabalik kahit na nagawa mo ito nang hindi sinasadya.
Para i-delete ang iyong account:
  1. Pindutin ang Mga Opsyon > Mga Setting > Account > I-delete ang account ko.
  2. Piliin ang iyong country code at ilagay ang iyong numero ng telepono.
  3. Pindutin ang I-delete > I-DELETE.
Sa pamamagitan ng pag-delete sa iyong account:
  • Ide-delete ang iyong account sa WhatsApp.
  • Ide-delete ang history ng chat mo sa iyong telepono.
  • Ide-delete ka sa lahat ng iyong grupo sa WhatsApp.
Kung ide-delete mo ang iyong account:
  • Hindi mo na maibabalik ang access sa iyong account.
  • Puwedeng tumagal nang hanggang 90 araw mula noong sinimulan ang proseso ng pag-delete bago ma-delete ang impormasyon mo sa WhatsApp. Puwede ring manatili ang mga kopya ng iyong impormasyon pagkalipas ng 90 araw sa backup na storage na ginagamit namin para mag-recover kung sakaling magkakaroon ng sakuna, error sa software, o iba pang pagkawala ng data. Hindi magiging available para sa iyo ang iyong impormasyon sa WhatsApp sa panahong ito.
  • Hindi ito makakaapekto sa iyong impormasyon kaugnay ng mga grupong ginawa mo o sa impormasyong iniuugnay sa iyo ng iba pang user, gaya ng kanilang kopya ng mga mensaheng ipinadala mo sa kanila.
  • Ang mga kopya ng ilang materyal, gaya ng mga record ng log, ay posibleng manatili sa aming database pero walang iuugnay na mga personal na identifier sa mga ito.
  • Puwede rin naming itabi ang iyong impormasyon para sa mga bagay gaya ng mga legal na usapin, mga paglabag sa mga tuntunin, o mga hakbang para mapigilan ang pinsala.
  • Mangyaring sumangguni sa aming seksyong Batas at Proteksyon sa aming Patakaran sa Privacy para sa higit pang impormasyon.
  • Ide-delete din ang iyong impormasyon na ibinahagi sa iba pang Kumpanya ng Facebook.
Mga nauugnay na resource:
Alamin kung paano i-delete ang iyong account sa: Android | iPhone
Sinasagot ba nito ang iyong tanong?
Oo
Hindi