Anong impormasyon ang ibinabahagi ng WhatsApp sa Facebook Companies?

Kasalukuyang ibinabahagi ng WhatsApp ang ilang kategorya ng impormasyon sa Facebook Companies. Kasama sa impormasyong ibinabahagi namin sa iba pangFacebook Companies ang iyong impormasyon sa pagrerehistro ng account (tulad ng numero ng iyong telepono), data ng transaksyon (halimbawa, kung gumagamit ka ng Facebook Pay o Shops sa WhatsApp), impormasyong may kaugnayan sa serbisyo, impormasyon sa kung paano ka nakikipag-ugnayan sa mga negosyo kapag ginagamit ang aming Mga Serbisyo, impormasyon ng mobile device, iyong IP address, at maaaring kasama ang iba pang impormasyong tinukoy sa seksyong Patakaran sa Privacy na may pamagat na ‘Impormasyong Kinokolekta Namin’ o nakuha matapos magbigay sa iyo ng abiso o batay sa iyong pahintulot.
Nililimitahan namin ang impormasyong ibinabahagi namin sa Facebook sa mahahalagang paraan. Halimbawa, palagi naming poprotektahan ang iyong mga personal na pag-uusap gamit ang end-to-end na pag-encrypt, para hindi makikita ng alinman sa WhatsApp o Facebook ang mga pribadong mensaheng ito. Hindi kami nagpapanatili ng mga log ng mga taong pinadadalhan ng mensahe o tinatawagan ng lahat at hindi namin makikita ang iyong ibinahaging lokasyon, kaya hindi namin maaaring ibahagi ito at hindi ito ibabahagi sa Facebook. Kailangan namin ang iyong mga contact para ibigay ang serbisyo, pero hindi ibinabahagi ang mga contact mo sa Facebook. Maaari mong malaman pa dito ang tungkol sa ilan sa mga limitasyong ito.
Sinasagot ba nito ang iyong tanong?
Oo
Hindi